Trivia Abril 10, 2009
Posted by Joanne in Kababawan files.trackback
Dahil bored ako, magshe-share na lang ako ng trivias tungkol sa akin.
- Mas matanda pa ng 5 years ‘yung refrigerator namin sa bahay kaysa sa akin. (Note: 18 years old na ako)
- Bukod sa sabog na pen annotation na “Joanne” at isang smiley na nakangiti (duh) sa header image ng blog ko, nakalagay din d’yan ang month at year kung kailan ko sinimulan ang kalokohang blog na ito. Kaya lang, natakpan ito ng Home at FAQ tabs.
- Mahilig akong mag-Google ng tao. Ang dami ko kasing nalalaman sa bawat taong ginu-Google ko na hindi ko basta-basta nalalaman sa pakikipag-usap lang sa kanila (hehe). Pero hindi ako stalker a.
- Mahilig din akong mag-Google ng iba’t ibang bagay.
- Therefore, Joanne <3 Google. Mas marami akong nahahanap sa Google kaysa sa Yahoo. Mas efficient at effective siguro ang search algo nila. Ah ewan.
- Dati, akala ko ‘yung FTW ay jumbled WTF lang. Haha
- Ang unang blog ko sa wordpress ay http://basurahan.wordpress.com. ‘Wag mo nang i-click ‘yung link. Binura ko na ‘yung blog na ‘yan.
- Pero nagsimula talaga akong magblog nang matino (kung maituturing ngang matino ang pagbblog ko) sa http://walangkokontra.blogspot.com. ’Wag mo na ring i-click ‘yung link. Binura ko na rin ‘yung blog na ‘yan.
- Naaliw ako sa Pinoy Showbiz, pero badtrip talaga ako kay Gretchen Barretto. ‘Di ko lang talaga alam kung bakit. Napanood mo na ba ‘yung music video nung latest single niya? Grabe ‘di ko kinaya.
- Sobrang naaliw ako sa “You and Me Against the World” na game show ni Gretchen sa TV 5. Talk about sarcasm.
- Natutuwa akong makipag-usap sa mga taong alam kung ano ‘yung Car Vortex, Silhoutte 40, Skinny Fruit, Handy Chef, Mako Knife, Funyaki, Air-o-Space, Zenith Grow, Stand High, Slim and Lift, Star Fiber, Jack La Laine Power Juicer, Fat Free Express, Sewing Genie, and other similar species.
- Isa sa mga paborito kong pampalipas oras habang walang magawa nang matagal sa jeep ang “Jeepney Chorvah Sessions with Dane” (wow nagkaroon na ng name ang chikahan session namin ni Dane) Haha. Apir Dane!
- Mahilig akong magbasa ng status at mag-click ng links (na hindi suspicious) ng mga taong nasa messenger list ko. Wala lang.
‘Yun.
tigas ng ulo ko..clinick ko talaga ung dalawang link..hehe
hehe. ung home shopping network. peborit din namin un ng kapatid ko. aliw.