jump to navigation

Nicknames Nobyembre 20, 2008

Posted by Joanne in Kababawan files, Randomness.
trackback

Minsan, natatawa talaga ako kapag naiisip ko kung paano nagkaroon ng sandamukal na nicknames ang isang taong katulad ko na sobrang pinag-isipan ng mga magulang ang pangalan – Joanne.

  • Ann. Mula pa noong bata ako, ito ang madalas na itinatawag sa akin ng mga kamag-anak ko. Noong una, keber naman talaga ako kapag tinatawag akong Ann pero simula nang lumabas si Anne Curtis sa Click sa GMA 7 noon (with her oh-so-annoying conyo accent and actions), medyo naiirita ako kapag may iba pang tumatawag sa akin ng Anne bukod sa mga kamag-anak ko (May ganong factor?). Kumbaga, naging exclusive lang ‘yung Ann nickname sa chosen people. Haha. (Note: Noon lang ako inis kay Anne Curtis, hindi na ngayon).
  • Anne. Oops. May special case pala. Si BFUF Myka lang ang tumatawag sa akin ng Anne na may ganitong spelling (sa pagkakaalam ko).
  • Joanna. (dyo-wa-naaa) Kapag galit si Mama, ito ang tawag niya sa akin.
  • Anjo. Rarely-used nickname. ‘Wag na sanang gamitin.
  • An-An or Ann-Ann. Tawag ng ilang tito at tita ko sa akin. Wala lang.
  • Ampon. For some really funny reason, tinatawag akong Ampon ng kuya ko. Haha
  • Amps. Another version ng Ampon. Pauso ng kapatid ko.
  • Joannie. Tawag ng isa ko pang kuya sa akin.
  • Annie-Ann-Ann. Tawag ng Papa ko sa akin. Haha. Natatawa talaga ako sa nickname na ‘to.
  • Berta (Jr). Noong bata ako, madalas akong niloloko ng kuya ko + ilang kamag-anak na ang tunay na ina ko raw isang mysterious woman named Berta. Haha
  • Felissa. Screen name ko sa Pampanga. Kamukha ko raw kasi ang late Lola ko kaya tinatawag nila ako sa palayaw na iyan.
  • Surname ko. Noong 1st year kasi, apat kaming Joanne sa classroom. Kumusta naman ‘yun.
  • First three letters ng surname ko + s. Si Gladys at Jeff ang madalas ng tumatawag nito sa akin. Hanggang ngayon ito pa rin ang tawag nya sa akin.
  • Oneechan/’Neechan. Tawag ni Poltaba sa akin. Miss na kita. :)
  • Jo. Madalas na tawag sa akin sa school sa ngayon. Paano ba naman kasi, ‘yan ‘yung nakasulat na nickname ko sa nameplate ko noong Orientation Seminar kahit na nilagay ko sa application form ko na Jo/Ann ang palayaw ko. Anyway. So ‘yan na ang isinusulat ko sa mga application forms na nagtatanong ng nickname ko ngayon.
  • Joooooo. Paraan ng pagtawag sa akin kapag troubled, agitated, etc.
  • Joe. Nakakainis. Ayokong tinatawag nang ganito. Anyway.
  • Hoy. Generic nickname ko. Pwede mo rin siyang nickname actually.
  • Josephine. Hanggang makagraduate ako ng HS, Josephine pa rin ang tawag sa akin ng adviser ko noong 2nd year (wow. nasa blog ko ulit ‘yung 2nd year adviser namin. Haha). Ganito kadalasan ang scenario kapag Araling Panlipunan class namin:

1.) Pipila ang buong II-1 sa pinto para sa usual name memorization exercise na ginagawa ng AP teacher…

(Si Joanne na ang papangalanan)
Teacher: Ikaw si (mag-iisip nang matagal) JOSEPHINE!
Joanne: Joanne po.

2.) Classroom discussion, magrerecite si Joanne…
Teacher: Yes, Josephine?
Joanne: Joanne po.
  • AT ANG LATEST… SHERYL. Haha. Kumusta naman. Saan galing ‘yan?

Mga Puna»

1. alasais - Nobyembre 21, 2008

Psst. Joke lang. :)

-tenco

2. cherry - Nobyembre 26, 2008

joanne-chan!

nakakatawa naman…

nakakamiss din si sir ap bgla…

maski ako iba name ko sa kanya…frauline daw dba…

hahaha

be safe!

3. Mary Grace - Disyembre 8, 2008

anjo… pangalan ng kuya ko yan ah. :)
sino ung ap teacher? si sir san diego? ahahaha.
parang anu lang ah,

Lolo: ito, para sa paborito kong apo, si Gina.
Apo: Lo, Karen po.

:lol:
in fairness, masagwa ung An-an. kahit pa sanhi un ng chalkdust. wag ganun.

4. Mary Grace - Disyembre 8, 2008

tawag ko rin pala sa kuya ko, Joanne. hehe.

5. panda - Disyembre 20, 2008

san galing yung sheryl?…

si mr. san diego yun noh? hahaha…

maka-administration kasi eh… :) )

andami..

^^,

ako din kaya?

haha,gaya-gaya?!

6. Panda - Abril 2, 2009

Jan.

Halloo Jan :D

7. Joanne - Abril 2, 2009

PANDA: Bakit “Jan”?

8. Panda - Abril 2, 2009

Failed attempt. @_@