jump to navigation

Nicknames Nobyembre 20, 2008

Posted by Joanne in Kababawan files, Randomness.
8 comments

Minsan, natatawa talaga ako kapag naiisip ko kung paano nagkaroon ng sandamukal na nicknames ang isang taong katulad ko na sobrang pinag-isipan ng mga magulang ang pangalan – Joanne.

  • Ann. Mula pa noong bata ako, ito ang madalas na itinatawag sa akin ng mga kamag-anak ko. Noong una, keber naman talaga ako kapag tinatawag akong Ann pero simula nang lumabas si Anne Curtis sa Click sa GMA 7 noon (with her oh-so-annoying conyo accent and actions), medyo naiirita ako kapag may iba pang tumatawag sa akin ng Anne bukod sa mga kamag-anak ko (May ganong factor?). Kumbaga, naging exclusive lang ‘yung Ann nickname sa chosen people. Haha. (Note: Noon lang ako inis kay Anne Curtis, hindi na ngayon).
  • Anne. Oops. May special case pala. Si BFUF Myka lang ang tumatawag sa akin ng Anne na may ganitong spelling (sa pagkakaalam ko).
  • Joanna. (dyo-wa-naaa) Kapag galit si Mama, ito ang tawag niya sa akin.
  • Anjo. Rarely-used nickname. ‘Wag na sanang gamitin.
  • An-An or Ann-Ann. Tawag ng ilang tito at tita ko sa akin. Wala lang.
  • Ampon. For some really funny reason, tinatawag akong Ampon ng kuya ko. Haha
  • Amps. Another version ng Ampon. Pauso ng kapatid ko.
  • Joannie. Tawag ng isa ko pang kuya sa akin.
  • Annie-Ann-Ann. Tawag ng Papa ko sa akin. Haha. Natatawa talaga ako sa nickname na ‘to.
  • Berta (Jr). Noong bata ako, madalas akong niloloko ng kuya ko + ilang kamag-anak na ang tunay na ina ko raw isang mysterious woman named Berta. Haha
  • Felissa. Screen name ko sa Pampanga. Kamukha ko raw kasi ang late Lola ko kaya tinatawag nila ako sa palayaw na iyan.
  • Surname ko. Noong 1st year kasi, apat kaming Joanne sa classroom. Kumusta naman ‘yun.
  • First three letters ng surname ko + s. Si Gladys at Jeff ang madalas ng tumatawag nito sa akin. Hanggang ngayon ito pa rin ang tawag nya sa akin.
  • Oneechan/’Neechan. Tawag ni Poltaba sa akin. Miss na kita. :)
  • Jo. Madalas na tawag sa akin sa school sa ngayon. Paano ba naman kasi, ‘yan ‘yung nakasulat na nickname ko sa nameplate ko noong Orientation Seminar kahit na nilagay ko sa application form ko na Jo/Ann ang palayaw ko. Anyway. So ‘yan na ang isinusulat ko sa mga application forms na nagtatanong ng nickname ko ngayon.
  • Joooooo. Paraan ng pagtawag sa akin kapag troubled, agitated, etc.
  • Joe. Nakakainis. Ayokong tinatawag nang ganito. Anyway.
  • Hoy. Generic nickname ko. Pwede mo rin siyang nickname actually.
  • Josephine. Hanggang makagraduate ako ng HS, Josephine pa rin ang tawag sa akin ng adviser ko noong 2nd year (wow. nasa blog ko ulit ‘yung 2nd year adviser namin. Haha). Ganito kadalasan ang scenario kapag Araling Panlipunan class namin:

1.) Pipila ang buong II-1 sa pinto para sa usual name memorization exercise na ginagawa ng AP teacher…

(Si Joanne na ang papangalanan)
Teacher: Ikaw si (mag-iisip nang matagal) JOSEPHINE!
Joanne: Joanne po.

2.) Classroom discussion, magrerecite si Joanne…
Teacher: Yes, Josephine?
Joanne: Joanne po.
  • AT ANG LATEST… SHERYL. Haha. Kumusta naman. Saan galing ‘yan?

Realizations Nobyembre 4, 2008

Posted by Joanne in Kababawan files, Randomness.
1 comment so far

Ngayong sembreak, na-realize kong:

  • May padulasan sa entrance ng Jollibee Katipunan. Nagpadulas na ko doon. Masaya, promise.
  • Masyado akong nagpaka-bum.
  • Masyado akong naging OC sa paglilinis ng laftaf. Para akong baliw.
  • Karapat-dapat lamang na ma-appreciate at laruin ang kahit anong Java mobile game, gaano man ka-crappy o panget ang hitsura nito. Mahirap gumawa ng isang matinong laro using J2ME (para sa mga katulad ko).
  • Masydong perfect si Edward Cullen. Sa bagay vampire naman kasi siya. Tinatamad na tuloy akong basahin ‘yung sequel ng Twilight. Ah ewan.
  • May nang-hack sa computer ko. Ang saya.
  • Nakakainis ang theme song ng bagong teleserye ni Dennis Trillo
  • Hindi bagay maging host ng Game KNB si Toni Gonzaga. Ang daming nasasayang na oras sa pace ng pagsasabi niya ng tanong.
  • Hindi dapat magcelebrate agad sa magandang schedule para sa susunod na semestre. Maaari pang magbago ito.
  • Hindi dapat si Zelda ang bida sa The Legend of Zelda. Masyado siyang pa-importante. Masyado naman akong nag-eefort para i-save siya lagi.
  • (Medyo matagal na ‘to pero isasama ko na rin) Ang cool ng Antivirus 2009. Mag-download ka. JOKE LANG.
  • Ang sarap paglaruan ng tabs ng Google Chrome.
  • Nakakatawa ang tunog ng Plurk. Parang tunog ng paglabas ng poo-poo.
  • Foreign stuff pala ‘yung PC-OFF.bat na lumalabas sa command prompt pag niru-run ko. Virus pala siya.
  • Hindi ko pa rin alam ang School Hymn at cheers. Saka na ‘yun.
  • Nakakatawa ang haircut ko. Simple lang naman ang hiniling ko sa naggupit sa akin. Sabi ko, ‘yung naitatali tapos bahala na siya, pero binigo niya ako. Buti tumubo-tubo na onti ang buhok ko. Kahit papaano ay naitatali na.
  • Ang sarap ng Smores ng Red Ribbon. Nakakatunaw ng puso. (Ganoon?)
  • Lugi ang PLDT sa dsl service nila dahil masyado kong sinusulit ito.
  • Nakakaaliw ang Roiworld
  • Nakakainis panoorin ang Boy and Kris ng ABS-CBN. Dapat kasi magkaroon na lang si Kris ng sarili niyang show tapos sya na rin ‘yung host at guest dahil halos siya rin naman ‘yung nagdodominate sa talk show.
  • I suuuper missed eating cream-o.
  • Ang baba ng kinaltas sa pamasahe. Parang wala lang. Nakakinis.
  • Undecided pa rin ako sa career na gusto kong i-pursue
  • Wala, wala akong masabi. Filler lang.
  • Ang takaw ko.
  • Ang tamad ko.
  • Ang labo ko.
  • Ang sama ko.
  • I miss blogging pero ‘di ako makapagsulat nang matino. (biglang ganon)