Si Paulo Setyembre 1, 2008
Posted by Joanne in Randomness.trackback
Hatinggabi. Tulog na tulog na ang lahat ng tao sa kalye *toot* nang isang sigaw ang gumising sa lahat.
“PAULOOO!”
Isang lasing ang biglang nagwala sa harapan ng gate ng tahanan nina Joanne, hinahanap ang isang taong nagngagalang Paulo. Sinundan ito ng pagmumura, patuloy na pagsigaw ng pangalang iyon at paghahamon ng away. Hindi pa nakuntento ang mukhang lasing o lasing talagang mama at nambato pa ng dalawang bote ng Red Horse sa pinto at bintana ng tahanan nila Joanne.
“PAULOOO! LUMABAS KA D’YAN!”
Nagulat ang Papa ni Joanne, biglang bumangon at galit na galit na naglakad patungo sa pinto at sumigaw ng “HOY!” Pinigil ni Joanne at ng kanyang Mama si Papa, dahil walang dahilan upang harapin niya ang mamang lasing. Una, wala silang kaaway na kapitbahay, at ikalawa, WALANG PAULO NA NAKATIRA SA BAHAY NILA.
Umalis din ‘yung mama. Nagkamali pala siya ng bahay ng ginulo.
Puno ng bubog galing sa mga ibinatong bote na Red Horse ang labas ng bahay nila Joanne noong umagang iyon.
Moral Lesson: Kung magbabalak maglasing at mambato ng bahay ng isang kaaway matapos nito, alamin muna ang eksaktong address ng target, upang hindi nakakaperwisyo sa iba.
Mas Seryosong Moral Lesson: Kung may tendency na mag-amok ang isang tao kapag lasing, ‘wag na lang uminom.
Mas Seryoso Pang Moral Lesson: Huwag mambabato ng bahay na may nakatirang taong mahina ang puso kung hindi kayang panindigan ang maaaring kahinatnan ng gawaing ito.
‘Yun lang. Si Paulo (kung sino man siya) kasi eh.
tsk… immature naman nun!
pasaway si Paulo. hahaha
hay naku..grabee na talaga ang ibang tao. mahirap intindihin minsan…