jump to navigation

On Blogberry Agosto 9, 2008

Posted by Joanne in Uncategorized.
3 comments

Sabi nga sa Management class ko (o imbento ko lang ‘tong sasabihin ko) proper planning is the key to [organizational] success. Dahil mahalagang bahagi ng pagtamo ng isang layunin ang pagpaplano, nararapat lamang na paglaanan ito ng oras at kakayahan upang mas maging maayos ang takbo ng pagsasagawa sa mga planong ito.

Dahil mahalaga ang planning sa buhay ng (matinong) tao, naisip ng mga paper manufacturers na bumuo ng PLANNER. Ayos. They [planned] to make a planner to help a planning person in planning his plans. Wala lang. Ang labo ng sinabi ko. Anyway. Basta planner ang topic. At hindi lang basta planner, university planner para mas masaya.

Dito na papasok ang Blogberry sa eksena. Ito ‘yung blue or red na spiral notebook na makikita mong nakalagay sa pulang karton na shelf sa National Bookstore Katipunan (siyempre meron din sa iba,  NBS Katipunan lang ang trip kong banggitin) na palagay ko ay ubos na kaya baka hindi mo na rin makita.

Sa masusing pagsusuri sa pahina ng planner na ito sa minsanang bookstore guestings ko, naalala ko ‘yung  colorful specialty paper na ginamit ko sa portforlio ko noong high school na ouch sa bulsa ‘yung presyo kasi uhh… colorful siya. Wala lang. Napansin kong college-ish talaga ‘yung planner. Bagay sa mga taong may makulay na college life (at hindi ako kasama doon). Nagsisimula ‘yung planner sa June 2008 at nagtatapos sa May 2009 kaya akma siya sa academic calendar ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo. May pausong goal setting portion, monthly blog entry, directory na may fields for y!m, multiply and friendster account (chorvah ng college life), may mapa ng ruta ng LRT at MRT, at higit sa lahat, may libreng discount coupon sa iba’t ibang establishments. Actually ‘yung national bookstore discount coupons lang ‘yung interesante dun para sa akin (clarification: hindi ko masyadong mahilig sa libro) at wala wala na akong pakialam doon sa iba.

Natutuwa ako sa planner na ito hindi dahil sa planner mismo kundi dahil sa mga taong nakikita kong gumagamit nito. Karir na karir kasi sila sa paglalagay ng laman sa  blogberry planner nila. Mayroong akong nakitang bumili pa ng 24 pieces staedler color pens para sa mas ‘colorful’ ang planning experience. May kilala rin akong may ka-combo pang colorful post-its at colorful plastic strips ‘yung planner. May kilala rin akong parang scrapbook na ‘yung planner sa dami ng nakadikit, at may kilala rin akong karir na karir ang pagsusulat sa goal portion at monthly blog entry ng planner na ito.

Actually, wala namang masama sa ma-effort at magastos na pagpaplano nila ng activities. Ang sa akin lang, dapat mas pinaglalaanan ng oras at resources ang mismong pagsasagwa ng plano. Oo, dapat ring maglaan ng oras para sa pagpaplano ngunit ang biggest chunk ng isang goal ay para dapat sa pagsasakatuparan  nito. Inulit ko lang ‘yung meaning nung previous sentence at binasa mo naman. Kung ibabatay natin ang pagsasagawa ng layunin sa management functions ni Henry Fayol, mahahati ito sa apat na bahagi: Planning, Organizing, Leading, and Controlling. Ayan. Tatlo pa ‘yung steps after ng planning kaya dapat ay ireserba muna ang resources para rito huwag ilaan lahat sa pagpaplano.

Ano ba ‘tong mga pinagsasasabi ko? Nasa tao naman ‘yan eh. Kanya-kanyang diskarte naman ‘yan. Na-miss ko lang magpost ng entry sa blog ko. Sige sige. Ja ne!