jump to navigation

Siya na Siguro ang Huli Mayo 24, 2008

Posted by Joanne in Pain, Sentiments.
trackback

Akala ko pa naman masaya na ako basta matapos lang summer classes.

Pero hindi pala.

Pagdating ko ng bahay, nag-aagaw-buhay na siya. *Gory details censored*. Hirap na hirap siyang huminga. Nakahiga siya sa isang tabi, hindi na makatayo. Pagkalipas ng ilang minuto, wala na siya.

Ang sakit-sakit pala kapag nawala ang isang ‘taong’ walong taon mong nakasama sa kaligayahan, kalungkutan at kung anu-ano pang kabaliwan sa buhay. Maraming beses na akong iniwan, ngunit ito pinakamasakit at ‘di ko matanggap. Nagsisisi akong hindi ko man lamang siya naalagaan at nasamahan sa mga huling sandali ng kanyang buhay sa mundo.

Lit, nasaan ka man ngayon, sana masaya ka. Salamat sa lahat – sa pagiging friend, shock absorber, living stuffed toy, doll at little brother. I’ll treasure the moments we spent together. You will always have a soft place in my heart.

Nakakapanibago. Walang nangangalmot sa binti ko kanina habang nag-aalmusal. Walang maingay. Walang lakad nang lakad na namamatid sa lahat ng dumaraan.

Wala na talaga siya.

Siya na siguro ang huli.

*cries*

Mga Puna»

1. Grace - Mayo 24, 2008

ang kyut pa naman ng pix nya sa multiply… how sad… :cry:

2. tina - Mayo 25, 2008

Im really sorry about you friend..
But this thing is important…

“This is Jonell’s Uncle. I am sending you this message in the hope that you are his friend. Let us pray for his immediate recovery. He is currently being rushed to RMC dahil nahirapan s’yang huminga kanina. Thank you for your prayers. Kindly pass this message to those who know him. God bless you and salamat.”

8:22:32pm
May 25 2008

I don’t know if it is a joke or not..
I’m just a recipient of the message, Parang friends narin kame kya lets hope for the best.. for him:)
nakakagulat, lets pray for this man guys.. GO!

3. neex - Mayo 27, 2008

oo nga. mahirap mawalan ng minamahal. lalo na kung ilang taon na din sila nakasama. tsaka mahirap din magkaroon ng kapalit.

4. Puypuy - Mayo 27, 2008

Oh. Your cat died? Sayang naman. Links ex? :D

5. meow - Hunyo 1, 2008

nakakalungkot…ako nga bawal magkapusa sa apartment ko kaya alam ko yung feeling na walang naglalambing sa iyong binti lalo na pag kumakain…o yung biglang tumatabi sa yong pagsi-siesta kapag maaraw sa labas…hay…malay mo may mapulot ka na kuting na nangangailangan ng bahay at di mo namalayan nauwi mo na siya…

6. eNocH - Hunyo 6, 2008

nakikiramay pero di makikiiyak..

7. juanaekis - Hunyo 9, 2008

I wish I could go back to college.

anyhoo

Sorry bout your cat tho.

8. Operability - Hunyo 19, 2008

Somehow i missed the point. Probably lost in translation :) Anyway … nice blog to visit.

cheers, Operability.

9. napundingalitaptap* - Hulyo 6, 2008

yun pusa ba? hmmmmmm. . .

Ang sakit-sakit pala kapag nawala ang isang ‘taong’ walong taon mong nakasama sa kaligayahan, kalungkutan at kung anu-ano pang kabaliwan sa buhay.

seems like you are referring to someone, aside from your cat.

flyfly!

10. Joanne - Hulyo 6, 2008

NAPUNDINGALITAPTAP: Hala. Gumawa pa ng issue. Kaya kasi “tao” ‘yan dahil parang nakababatang kapatid na ang turing ko sa pusa. Ang showbis nito. haha

11. petitay - Agosto 22, 2008

meron din ako pet… si miming… binantayan ko talaga cia up to his last breathe.. :( ( grabe ang hirap talgah… mahal ko yun sobra… more than 9 years ko cia nakasama…