Mayaman na Ako! Abril 30, 2008
Posted by Joanne in Kababawan files, Randomness.trackback
Nang tingnan ko ang laman ng isa sa mga pseudo-email addresses ko, napag-alaman kong ang yaman-yaman ko na pala.
- Isang microsoft computer scientist at software engineer ang nag-iwan sa akin ng 15, 100, 000 USD sa kanyang will. Nang ginoogle ko ‘yung pangalan ng abogado at ng may-ari ng will (talagang ginoogle ko sila ah), napag-alaman kong noong 18th century pa pala nabuhay ‘yung abogado at hindi sa microsoft nagtatrabaho ‘yung kliyente-kuno niya.
- Nanalo ako sa British Lottery ng 1,500, 000 Pounds. Hindi ako bumili ng ticket.
- Nanalo pa ako ulit sa British Lottery ng 1,000,000 Pounds. Hindi pa rin akong bumili ng ticket.
Siyempre, hindi pahuhuli ang mga “charitable” institutions at kung anu-ano pang grupo sa panghihingi ng donasyon. Wala pa nga akong prize, may letters of solicitation na agad. Ayos talaga.
Tara, magpapa-cheeseburger ako! Mayaman na ako… sa spam.
hahaha.. aba nmn share your blessings.. hehehe
spam pala..
mukang nabiktima ka rin ah!
Mayaman na rin ako sa ganyan. harhar!
Akala ko nga noon ako lang eh!
pero dahil 2 na pla tyo…
Lika sama ‘ko pa cheese burger tayo.
….partypipol….
bakit kaya hobby ng iba mag-iwan ng malalaking amount ng pera? eh ako nga, halos ipagdamot ko ang limang piso ko sa mga kapatid ko.
penge spam para yumaman din ako….. heheh…
cheese burger! cheese burger! (na spam)
Pasalamatan magiliw balutin…
Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )
haha. may spam dyan sa itaas mo. gumamit ng translator para iendorse ang Leoxa.com niya.
anyways, andami ko ring ganyan. pati mga taong naghahanap ng kaibigan.. napupuntahan ako sa email. saka mga naghahanap ng mga makakasiping sa gabi. promise.
di lang sa email ako maraming ganyan. kahit sa mga text messages. nanalo daw ako. mayaman din ako… sa spam.
asan ang balato ko? i-email mo na lang din. :p
buti sayo pera. sakin Viagra binibigay. may problema daw ang aking, erm, pagkalalaki. akalain mo yun
Spammers are irritating ano? HAHA.
I got a new post nag pala.