jump to navigation

Takdang Aralin Abril 19, 2008

Posted by Joanne in Fillers, Randomness.
trackback

Dahil unti-unti ko nang nadarama ang pressure ng pagkakaroon ng summer class at malamang ay hindi na ako magiging aktibo sa mga susunod na araw, nais kong mag-iwan ng hamon/takdang aralin-kuno para sa mga mambabasa (kung mayroon man).

  • Abangan at panoorin ang bagong patalastas ng Extra Joss sa mga lokal na istasyon. Suriin ito nang mabuti at gumawa ng 10-pahinang sulatin ukol sa kaugnayan nito sa burokrasya.
  • Ano ang kinalaman ni Curtis Ryan na tauhan sa the Sims 2 at ni Princess Ryan na madalas na bumibisita sa Wowowee ng ABS-CBN at Macho Gwapito ng Makisig Channel? Bakit walang tiyak na tahanan si Curtis sa SimCity at bakit “Everything You Do” ang inawit ni Princess sa Macho Gwapito?
  • Bukod sa mga paraang ipinakita sa Mc Donald’s commercial upang makalibre ng Cheese Burger, magbigay pa ng iba.
  • Pumunta sa Home TV shopping network, Shop TV o kahit anong istasyon na nagbebenta ng produkto. Sa patalastas ng aling produkto makikita ang tatay ni David Archuleta na nagbigay ng testimonya? Pangatuwiranan.
  • I-download ang bersyon ni Mozart at Pachelbel ng Canon in D Major. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng dalawang bersyon.
  • Maghanap ng kumpletong bersyon ng Gaara’s Childhood theme ng Naruto (huwag ang piano version) sa anyong mp3. I-attach ito at ipadala sa isang pseudo-email address na blehbleh23@yahoo.com. Maraming Salamat.
  • Bakit hindi magandang panoorin ang ika-5 hanggang ika-12 ng episode ng anime na School Days para sa mga katulad ni Joanne? Panoorin ang mga nasabing episode at magbigay ng mga posibleng kadahilanan.
  • Bakit naka-sando si Chris Tiu sa patalastas ng Nesvita samantalang si Derek Ramsey at Will Devaughn (patawad kung mali ang spelling) ay walang suot pang-itaas?

Mga Puna»

1. Grace - Abril 20, 2008

pambihirang assignment yan… meron bang nagbibigay ng ganyan?

2. aga - Abril 21, 2008

huwat???? ok yan ah…asust..
napadaan lan po..

3. Margaret - Abril 24, 2008

Owmaygulay!

4. tina - Abril 26, 2008

magagandang libangan… salamat sa idea

5. neex - Mayo 27, 2008

waw. di na sya assignment. parang exam na yan. pero astig ng mga tanong. hehe

6. grace - Hunyo 23, 2008

parang Bob Ong ah. :)

7. rosellealteria - Abril 18, 2009

conservative daw si Chris Tiu! ahaha..

8. moira - Setyembre 7, 2009

hahaha!!
nice one !!
ang ganda nman nyang ass. na yn!!
kung ganyan lng ass nmen cguradong perfect !!
haha!!
lupet !!

9. derixc - Oktubre 8, 2009