jump to navigation

Top Search Engine Terms sa Blog ni Joanne Disyembre 7, 2007

Posted by Joanne in Fillers, Kababawan files.
trackback

Mula noong gumawa ako ulit ng blog noong September, nakatuwaan ko nang tingnan at tipunin ang mga nakakatawang search engine terms na ginamit ng kung sino man para makarating sa blog ko. At dahil December naman ngayon at wala akong maisip isulat (anong konek?), ibabahagi ko ang mga ito ngayon.

 

Mga Medyo Random Search Engine Terms – Ang say ni Joanne:

“wag mo kong subukan” – ano ha?

kawawa naman ako – ako rin. :D

huwag mong sabihing ayaw mo na – anong ayaw ko?

paano gumawa ng sorbetes – gusto mo ng kopya? Meron ako.

magandang topic sa pamagat – hindi kita matutulungan d’yan. Patawad.

paano ang pagbuo ng pamagat – dito rin.

solb nanaman si juan – ay, ay, paano naging solb si Juan? ikaw ah.

tamang pagsisipilyo – one way traffic technique. May sticker n’yan sa pinto ng kuwarto ng kuya ko dati.

larong parang the sims 2 – pareho tayong naghahanap ng ganyan, pero walang ganyan sa blog ko. D

pamagat ng kard – anong kard?

mga bagay na nagpapasaya sa mga Pilipino – hmm… di ko rin alam. Sorry.

mabibilhan ng hybrid rice sa pilipinas – mas di ko alam.

kalendaryo na kasaysayan noong November – help! History ang hinihingi nito.

baha october 21 2007 sa pilipinas – may baha noong October 21? Saan?

paaralang excel – Microsoft excel?

paano nagkaroon ng ulan? – effervescence ng water droplets sa clouds. ‘pag di na kaya ng clouds, uulan na. :D (warning: ‘wag masyadong maniwala)

maxi peel – naalala ko tuloy ‘yung guwardiya sa school noong HS. Hehe.

di pa taken – ako rin. Hehe. :D

ano ang pamagat? – Bahala ka na sa pamagat!

bidyo gaming – wala akong maisip sabihin.

nakakatakot na kuwento – walang ganyan dito.

dalaga ka na hiindi na bata – shocks. Pinapangaralan ang pagiging childish ko.

ginataang Mais photo – mahilig akong kumain n’yan pero wala akong pic.

kwento ng BAHALA NA – ganito ‘yan. May isang batang tinatamad mag-aral. Ang sabi n’ya, “bahala na.” Tapos.

Ulyanin – pareho tayo!

loveteam anime – si Koizumi Riza at Otani Atsushi lang ang nandito eh.

 

 

School-Related Search Engine Terms – Ang Say ni Joanne:

ateneo dress code flip flop smocket – ayokong magcomment. Hehe.

ateneo caf-up – may ginto ang mga pagkain d’yan.

VL Salle – nakaraan na ‘to. Ayoko nang ungkatin pa.

la salle lyrics– gary, ogie, randay – may inaccurate lyrics n’yan dito. at kumusta naman, sino si RANDAY!

sarap maging atenista shirt – masarap maging atenista pero wala akong ganyang shirt.

live UAAP” in internet – sa youtube ka pumunta kung gusto mo ng vid pero hindi live ‘yun.

I passed the acet shirt – may nabibiling ganyan somewhere at hindi ko alam. Wala kong ganyang shirt.

sa poetry ni rolando s tinio – cute ng tulang ‘yan. Promise. :D

mga tamang gabay sa pag aaral – whoa. Wala n’yan dito. Hehe

intact ateneo – ‘uy interesado sa intact. Si Chong Lao ang sagot sa problema mo! :D

how to view grades aisis – punta ka sa aisis site, login ka, tapos andun na ‘yun.

gabay sa misa – pangalan yata ‘to ng orgs na sinalihan ko ah. Gabay at MISA.

accounting ateneo – mahirap raw ang accounting sa ateneo. Ika nga, SOM subject from hell daw.

Long test repeat – wow! Gusto ko n’yan.

Distribution of Final Marks and Regforms – noong Nov 5 pa.

UP enlistment 07-08 hassle – hassle nga raw ‘yung enlistment sabi ng mga taga-UP.

para sa mga estudyante na hindi mahilig – ano ito? wala akong masabi.

querebillo ateneo- teacher ko siya sa Chem Lab dati. :D

multiply block Q orsem 2007 – anong course ‘yung block Q? ‘di ko rin alam.

 

 

Topnotchers – Ang Say ni Joanne:

Inday Jokes – punta ka sa blog ni Inday.

Death Note – apir tayo! I love Death Note!

Mga Puna»

1. Padre Salvi - Disyembre 8, 2007

haha. sakin kasi. walang kwenta. puro mga el fili. haha

2. Joanne - Disyembre 8, 2007

PADRE SALVI: dapat ‘yung mga naghahanap ng El Fili sa blog ni Jonell pumupunta ‘no? :D

3. Fau Rafili - Disyembre 9, 2007

ako din iba-iba yung mga nakalagay sa mga top search engines ko… kakaiba talaga.

4. eNocH - Disyembre 9, 2007

“di pa taken – ako rin. Hehe :)

ako rin. di pa taken? ahihihihi! :p

5. Joanne - Disyembre 9, 2007

FAU RAFILI: kakaiba talaga ‘yung search engine terms na lumalabas kapag written in Filipino ang blog ‘no?

ENOCH: malaki yata ang populasyon ng mga di-taken sa mundo ah. i’m glad na kabilang ako roon. :D

6. eNocH - Disyembre 10, 2007

uy! kelan bday mo? papakainin mo ba kami? :p

7. CHALK DUST - Disyembre 10, 2007

kakatwa talaga ang mga ganyan. ako rin natatawa na lang sa mga nakikita ko sa account ko e.

8. Joanne - Disyembre 10, 2007

ENOCH: secret na kung kailan. wala nga akong balak pakainin ang sarili ko magpapakain pa ko ng iba. hehe. sino ka nga pala?

CHALK DUST: gawa ka rin ng collection. :D