Ano ang gagawin mo… Nobyembre 29, 2007
Posted by Joanne in Fillers, Kababawan files.trackback
Ano ang gagawin mo kung habang naglo-long exam kayo sa Math 20 (Calculus for Economists, kahit ‘di ka economist) ay nag-LBM ang ballpen mo?
Ituloy lang ang pagtetest. Wala naman sinabing bawal magtae ang ballpen eh. Pasalamat ka at ‘yung ballpen ang tinawagan ng Kalikasan at hindi ikaw.
Ano ang gagawin mo kung malakas ang ulan at may payong ka naman ngunit ayaw mong mabasa ito dahil mahirap dalhin?
Hayaang mabasa ang sarili. Sa huli ay mapipilitan ka ring buksan ‘yan.
Ano ang gagawin mo kung naghahanap ka ng Bavarian at Strawberry-filled donuts at tumambad sa iyo ang isang booth ng Dunkin Donuts sa school? Katatapos mo lamang mag-Aerobics noong araw na iyon at mayroon ka ring panata na magdidiyeta ka na.
Bumili ng donut. Gawin mong tatlo o kaya apat. Masarap ang bawal minsan. Maaari ka ring manalangin na matapos na ang fair ng org na nagpasimuno ng pag-iimbita ng sandamukal na food stores sa inyong paaralan.
Ano ang gagawin mo kung maraming nagtetext sa iyo, nagtatanong ng ganoon, ng ganyan at hindi ka makapagreply dahil 14 cents lang ang prepaid credits mo?
Maghanap ng malapit na computer area sa school, maglogin sa chikka, itext ang kailangang itext, at mag-ingat sa computer dahil paboritong hobby noon ang mag-hang.
Ano ang gagawin mo kung naiwan mo ang tangke ng tubig mo sa bahay ninyo?
Uminom sa mga drinking fountains na nakakalat sa school. Tandaan: hindi pinapainom ng tubig ang ilong. Iwasang maghilamos sa drinking fountain kahit ‘yun lang ang palusot mo sa kamangmangan sa tamang paggamit nito.
Ano ang gagawin mo kung may dapat kang basahin ngunit timatamad ka?
Basahin ang readings na iyon nang tatlong beses at tulugan.
Ano ang gagawin mo kung pinapahanap ng teacher mo sa iyo ang depth ng Ateneo above sea level?
Gamit ang kaagapay ng mga tamad magtraditional research, ang wikipedia, hanapin ang depth ng QC at Marikina, dahil nakahimlay ang AdMU sa mga lungsod na ito at kunin ang average nito. Pwede mo ring kunin ang actual measurement, good luck na lang.
Ano ang gagawin mo kung biglang naglaho ang bente pesos na pambayad mo sa tricycle sa kamay mo?
Huwag bayaran ang driver. Idahilan na ang mabilis na pagpapatakbo niya ang dahilan kaya nilipad ang pera mo. (Joke). Maghanap ulit ng bente sa pitaka (kung meron pa). Ibayad. Hintayin ang sukli at baka hindi ibigay. Hanapin ang bente sa katawan. Tawanan ang sarili kapag nahanap mo ito.
Ano ang gagawin mo kung walang pasok bukas at ayaw mo pang gumawa ng mga takdang aralin?
Sumulat ng walang kuwentang entry sa nilalangaw mong blog. Matulog.
Ano ang gagawin mo kung habang naglo-long exam kayo sa Math 20 (Calculus for Economists, kahit ‘di ka economist) ay nag-LBM ang ballpen mo?
Edi lumabas at bumili ng bolpen. Keber ng prof. Math kaya yun. Di siya narereview ng basa basa lang.
Ano ang gagawin mo kung malakas ang ulan at may payong ka naman ngunit ayaw mong mabasa ito dahil mahirap dalhin?
Sumilong sa 7-11 Quezon Avenue.
Ano ang gagawin mo kung naghahanap ka ng Bavarian at Strawberry-filled donuts at tumambad sa iyo ang isang booth ng Dunkin Donuts sa school? Katatapos mo lamang mag-Aerobics noong araw na iyon at mayroon ka ring panata na magdidiyeta ka na.
Bibili rin ng Donut. Nako. Palalampasin ko ba naman yan.
Ano ang gagawin mo kung maraming nagtetext sa iyo, nagtatanong ng ganoon, ng ganyan at hindi ka makapagreply dahil 14 cents lang ang prepaid credits mo?
Wag magtext. Bahala sila. Di sila nakinig.
Ano ang gagawin mo kung naiwan mo ang tangke ng tubig mo sa bahay ninyo?
Makiinom sa mga canteen ng halos lahat ng building.
Ano ang gagawin mo kung may dapat kang basahin ngunit timatamad ka?
Wag basahin. Magcut ka na lang sa klase.
Ano ang gagawin mo kung pinapahanap ng teacher mo sa iyo ang depth ng Ateneo/UP above sea level?
Haha. Wikipedia lang yan! Or magsearch sa library. Anlaki kaya ng Mainlib ng UP.
Ano ang gagawin mo kung biglang naglaho ang bente pesos na pambayad mo sa tricycle sa kamay mo?
Walang tricycle sa UP eh.
Ano ang gagawin mo kung walang pasok bukas at ayaw mo pang gumawa ng mga takdang aralin?
Haha. Meron akong gagawing iba eh.
PADRE SALVI: Natawa naman ako. Sinagutan mo rin kasi. ‘Yan kasi ang ilan sa mga nangyari sa ‘kin this week, ginawa ko lang Q&A format para maiba naman. hehe.
ipagpatuloy ang mga nakatutuwang gawain. kasama yan sa paglaki. haha. ang diyeta? nako. problema yan.
CHALK DUST: salamat sa payo. problema talaga ang diyeta. nako.
Ano ang gagawin mo kung biglang naglaho ang bente pesos na pambayad mo sa tricycle sa kamay mo?
Huwag bayaran ang driver. Idahilan na ang mabilis na pagpapatakbo niya ang dahilan kaya nilipad ang pera mo. (Joke). Maghanap ulit ng bente sa pitaka (kung meron pa). Ibayad. Hintayin ang sukli at baka hindi ibigay. Hanapin ang bente sa katawan. Tawanan ang sarili kapag nahanap mo ito.
“nakakatakot ata ito… hindi ko kakayanin. wat if ala ka na talagang kapera-pera. nakupo. sawi ka!
ei there. pasensya na kung busy ka ha! pero TINAG po kita… http://akosifau.wordpress.com
kung ayan ang mangyayari, matutulog nalang ako… hehe..
hahaha!! mga kalokohan mo talaga… kulet… yan ang nangyayari sayo sa mga ordinaryong araw ng buhay mo! haha.. nakakatuwa ka talaga joanne.. love you!:D
RAKATAK: grabe yun pag naging totoo. hindi ko rin alam ang gagawin ko.
FAU RAFILI: pabago-bago ka ng pangalan. na-tag na ko ng ganyan dati. ‘di ba marife/bato.pik? pag-iisipan ko pa kung sasagutan ko ulit.
PENCILCASE: ano ‘yung tinutukoy mo sa “ayan”?
RINA ROSE: oww.. touched naman ako. 75% ka sa true friend test ko ah. not bad. bili ka ng reviewers sa mga suking tindahan and drugstores tapos i-retake mo ‘yung test. wala pa ring nakaka-perfect. hayy.