First Day Nobyembre 12, 2007
Posted by Joanne in College Stuff, Fillers.trackback
Dapat talaga may isusulat akong matino ngayon. Kaso, as usual, tinatamad na naman ako.
Wala namang masyadong special na nangyari sa araw na ito bukod sa pasukan na sa Pamantasang Ateneo de Manila. Basta masaya lang ako’t hindi ang kilabot ng ES10 na si **toot** ang naging teacher ko. Kaya lang, magsusurvey at magreresearch pa ako sa reputasyon ng teacher na napunta sa class namin. Baka mamaya’y scary rin pala siya.
First day ng work ko sa Loyola Schools Bookstore bukas. Sana maging taga-lagay lang ako ng libro sa plastic.
O siya, sibat na ako. Saka na ‘yung details.
(Nga pala, hindi ako tumupad sa no-to-see-food-diet policy ko sa araw na ito. Ang hirap eh, lalo na’t carbonara, spaghetti at cake ang dinatnan ko pag-uwi sa ‘min. Bukas talaga magtitino na ako.)
good luck na lang sayo… ano nga palang course mo?
MARY GRACE: BS Management Information Systems po ang aking kurso.
medyo boring at masaya ang first day.
pero walang gaanong espesyal.
hays. tulog nalang muna ako.
PENCILCASE: aba Marlon, nabuhay ka rin!
mas masaya first day ko. (officially second day.)
muntik na kami mapunta sa isang terror prof
masaya ako dahil nakabalik na ako dito. sa wakas, nabasa na ulit kita.
PADRE SALVI: masaya rin first day ko ‘no. (may nakakabanas na part din siyempre) tinatamad lang akong magkuwento at pumindot ngayon. ang lamig kasi ngayon eh. nakakaantok. anlabo.
PAURONG: aba. ang tagal mong nawala ah. nalimutan ko na ‘yung story ng Missteryosa mo. saka ko na babasahin. ang lamig kasi ulit eh.