jump to navigation

Ito ang Epekto ng Isang Gabi ng Pag-iisa sa Bahay. Oktubre 19, 2007

Posted by Joanne in Kaadikan, Kababawan files, Randomness.
trackback

Dahil sa matinding pagkabagot ngayon, naisipan kong makigaya sa mga taong nagpapakita ng desktop nila sa kanilang mga blogs.

 

Click lang ‘yung maliliit na larawan kung kakayanin ng sikmura mong makita ‘yung enlarged view.

Part One. Si Desktop. (With “very useful” descriptions for each icon)

desktop

The Simpsons version ng Death Note ang wallpaper ko. Fan art siguro siya, at wala akong pakialam pa dun. Basta ang cute lang niya kaya ko ginawang wallpaper.

Part 2. Internet Browser. Mozilla Firefox, wala nang iba.

Kapag ako’y nagsu-surf sa net, ayaw na ayaw ko ‘yung napakaraming window dahil nalilito ako. Bilang kapalit, maraming tabs naman ang ginagamit ko. Para mas masaya ang surfing experience, nag-install ako ng tab effect add-on. Ang hirap i-capture nung effect sa pamamagitan ng pagpindot sa Print Screen key kaya ipapakita ko na lang ‘yung sample ng tab effect na ito:

Tab effect!

O ‘di ba, nakakatuwa? Para mas okey, lumipat-lipat ka ng tab nang mahilo ka. Interesado ka bang i-install ito sa browser mo? Click mo ITO.

 

Isa pa sa ikinatutuwa ko sa browser ko ay ‘yung theme. Aquatint Redone yata ang pangalan nito.

Tab 1. Sushi-Go-Round

Sushi-go-round!

Kung gusto mong pagurin ang kamay mo at sirain na rin ang mouse n’yo, ito ang larong para sa ‘yo. Nakakawiling laruin ang game na ito. Pati kuya ko naadik dito dahil sa ‘kin.

Tab 2. AISIS

AISIS

AISIS. Ateneo Integrated Student Information System. Nabadtrip ako dati rito dahil denied ba naman ang account application ko. Nung tumawag ako sa registrar’s office para mag-complain, ininterrogate ako, nagtanong ng mga personal details para matiyak na ako nga si Joanne. Pagkatapos noon, approved na.

Dapat sana titingnan ko ‘yung grades ko ngayon sa site na ‘to kaso tinanggal nila ‘yung Grades page, para may thrill daw.

Tab 3. Yahoo! Mail

Yahoo! Mail

Dahil karamihan sa mga mahahalagang balita sa school ay ipinapadala sa through e-mails, ang madalas na pag-check ng mail is definitely a must. (Grabee. nahahawa na ako ng taglish disease na ‘yan!)

Tab 4. WordPress Dashboard.

WP Dashboard

Sino kaya ang pumupuno ng updates ng comments, new posts/pages at edited posts/pages sa dashboard ko?

Part Three. Y!M

Y!M

Tinago ko ‘yung mga contacts dahil yahoo username ang nakalagay d’yan. Baka kuyugin nila ako kapag dinisplay ko in public ang usernames nila. Kung hindi ako shushunga-shunga mag-add, 195 yata lahat ng contacts ko d’yan.

Part Four. I Tunes

I tunes

Nakasaksak kasi si I-pod Jumbo ngayon kaya may ganyang kachorvahan. Para mas masaya ulet, pineplay ko na lang ‘yung isang playlist na maraming awitin mula kay Regina Spektor. Paborito ko d’yan ‘yung Fidelity at Samson.

‘Yan. Tama na muna. Gawa ka rin ng ganito para masaya tayong lahat.

 

Mga Puna»

1. Padre Salvi - Oktubre 20, 2007

Masubukan nga ang sushi go round na yan.

Yung marty na sinasabi mo.. inadd niya ko nung 4th year pa ko.. nilagay ko kasi sa blog ko yung ym id ko kaya ganun. ang alam ko lang sa kanya ay atenista siya

2. Padre Salvi - Oktubre 20, 2007

add na kita sa blogroll hah!

3. Joanne - Oktubre 20, 2007

PADRE SALVI: Blockmate ko nga siya. Nagulat lang kasi ako nung nakita ko ‘yung name niya sa messenger list kasi sobrang pareho ‘yung status niya noong araw na ‘yun. Salamat na rin pala.