Happy F-day, RHS Oktubre 1, 2007
Posted by Joanne in Sentiments.trackback
Dear Rizal High School,
Birthday mo pala ngayon. Ang tanda mo na. 105 ka na oh.
Gusto ko lang magpasalamat sa pangangalaga mo sa akin. Mula sa paghulma ng aking pagkatao hanggang sa pagpapayaman ng aking kaalaman, lahat iyo’y utang ko sa iyo.
Nais ko rin palang magpasalamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay mo upang mapatunayan ko ang halaga ko mundo. Bagama’t minsan mo ring pinabigat ang aking buhay, hindi naman iyon mapapantayan ng lahat ng sayang sinapit ko sa kanlungan mo.
Muli, salamat. Hindi ko kailanman ibabaon sa limot ang mga alaalang inukit mo sa aking isip at puso.
Tignan mo, ang cute mo pala sa dapithapon. Stolen shot ‘yan. Di mo alam ‘no? Kinuha ko ‘yan noong November 26, 2006:

O siya, sumingit lang ako. Itutuloy ko ang ang mga papeles na ginagawa ko. Sorry nga pala kung hindi ako nakapunta kanina. Happy Foundation Day ulit!
Joanne
anong kalokohan na naman ito?
PAURONG: hindi ‘to kalokohan. Marami talaga akong utang sa RHS.