jump to navigation

Untitled Setyembre 17, 2007

Posted by Joanne in Fillers.
trackback

Gagawin ko ngayon ang madalas na gawing palusot nga mga taong may blog na tamad mag-isip ng bagong entry- ang paglalagay ng awiting kunwari’y peborit nila.

Inawit namin ito noong Graduation noong March 28-29, 2007 at hanggang ngayo’y nae-LSS pa rin ako sa kantang ito. Ewan ko kung bakit.

O siya, sana alam mo ‘yung tono n’ya. Tapos ulit-ulitin mong kantahin hanggang mapatid ‘yung litid mo.

Enjoy! :D

Martsa ng Sangay 

Pasig City at San Juan
Sangay ng karunungan
Sa larangan ng edukasyon
Sining Kultura’t Agham

Pasig City at San Juan
Maunlad na mga bayan
Nangunguna sa kaalaman
Tunay na karangalan

Sandigan ng kabataan
Katulong ng mamamayan
Kaibigan ng mag-aaral
Gabay at patnubay

Pag-asa ng magulang
Dangal ka ng bayan
Sayo ay aming nakamtan
Tunay na tagumpay

Pasig City at San Juan
Hasaan ng karunungan
Ipagpatuloy ang pagpupunyagi
Tunay kang bukod tangi

Pasig City at San Juan
Sangay ng karunungan
Kami sayo’y nagpupugay
Mahal naming tunay

Tagumpay ay nakamtan
Sama-sama sa kaunlaran
Talino’t galing ipagmalaki
Kami sayo’y nagbubunyi (2x)

(Repeat 3-7)

Coda: Kami sayo’y nagpupugay
Mahal naming tunay

Mga Puna»

1. Paurong - Setyembre 18, 2007

grabe kelan mo naging peborit yan.
aba. nakakasawa yan. nabubuwisit ako sa kantang yan.
i can’t see the point pa rin.

2. Joanne - Setyembre 18, 2007

PAURONG: “Gagawin ko ngayon ang madalas na gawing palusot nga mga taong may blog na tamad mag-isip ng bagong entry- ang paglalagay ng awiting kunwari’y peborit nila.”

hindi ko siya peborit. natatawa lang ako sa kanta.

3. Paurong - Setyembre 18, 2007

grabe ka naman. para kang mangangagat.

4. Joanne - Oktubre 13, 2007

PAURONG: Grabe ka naman. ‘di ako nangangagat. Grabe. Ngayon ko lang talaga napansin ‘tong mga comment na ‘to.