A True Story
18 06 2008Isang araw, tinungo ng isang walang kwenta at walang silbing MISA member na itago na natin sa pangalang Joanne ang MISA booth para mag-renew ng kanyang membership. Gayong alam niyang wala talaga siyang kahit anong naiambag sa pag-unlad ng asosasyon, naisipan niya pa pa ring mag-renew dahil uhh.. hindi niya alam.
Nilapitan niya ang isang babaeng nakangiti at tinanong siya nito ng “Are you a new member?”. “Old Member po”, sabi niya. “Fill this up then pay the application fee” ani ng babae sabay turo sa isang row kung saan isusulat ng mga kailangang impormasyon.
Sa pagsagot ni Joanne sa form, napansin niyang maraming nang naunang Psychology majors na nagsagot sa sign-up sheet. “Aba, may psych majors pala na nagmi-MISA“, naisip niya. Matapos niyang sagutan ang sign-up sheet, inilabas niya ang P100 sa pitaka bilang application fee. Ibabayad na niya ito sa babae nang bigla niyang naisip na tingnan kung tamang org ba ang sinasalihan niya.
Ateneo Psyche pala ang org na iyon at hindi MISA.
Agad niyang sinabi sa babaeng nakangiti na mali ang org na kanyang pinuntahan. Sabi ng babae “Basang-basa naman na Psyche ‘yung sign ah” (Hindi mataray ‘yung tone. Patawa ‘yung pagsabi). Dahil hindi makaisip ng dahilan, sinabi ni Joanne na natakpan ng lalaking kararating lamang ‘yung karatula sa mesa. Agad na humingi ng tawad si Joanne at nakagpag-apply na rin sa MISA sa huli. Sana lang tanggapin pa siya ng org na iyon.
MORAL LESSON: Magbasa. ‘Yun lang.
Comments : 5 Comments »
Categories : Uncategorized

Sabi nila